Ang sabi ni Amor sa may-ari ng building, hinihintay nila umano ang kargamento ng mga stuff toys at doon nila ititinda sa kanilang uupahan na stall.
Nagbayad pa ng P6,000 na deposit at P6,000 advance deposit sa may-ari ng Everlife Commercial building sa Barangay Sindalan, City of San Fernando.
Kinabukasan noon (Hulyo 8), doon na natulog sa nasabing stall sina Amor at ang kasama nitong lalaki.
Ang hindi malaman ng Pulisya ay kung kailan dumating ang ibang kasamahan ng mga suspek sa inuupahan nina Amor.
Makaraan ang ilang raw, ang palagay ng police officer na nakausap ng Dateline, nag-monitor muna ang mga suspek kung marami silang makukuha sa katabi nilang pawnshop.
At noong Hulyo 14, isinagawa ng nasabing gang ang pagbutas sa pader ng katabi nilang stall upang makapasok sa Sindalan Panwshop na pag-aari ni Cynthia Joven Tejada, 57, ng Cabambangan, Bacolor.
Gamit ang crow bars, nabutas nila ang double concrete wall at doon maluwag silang nakapasok sa Sindalan Panwshop.
At sa papamagitan ng tatlong aceteylene torch, nabutas nila ang safey vault ng pawnshop.
Kahit na malapit lamang ang Sindalan Community Police Center, hindi narinig ng mga pulis ang ginagawa na pangloloob ng Acetylene gang.
Sa loob ng safety vault, nalimas ng mga suspek ang laman ng mga nito na mga jewelry na nagkakahalaga ng P2,199,593.00 at P40,000 cash.
Madaling araw na umano tumakas ang mga suspek dala ang malaking halaga na kanilang nakulimbat, ayon sa ulat ng pulisya.
Ang kanilang kagamitan kagaya ng tatlong acetylene torch, acetylene tank at crow bars ay iniwan ng mga ito sa loob ng nasabing pawnhsop.
Sang-ayon sa police officer, ang mga suspek ay pawang taga Baguio City dahil ito ang kanilang "expertise."
Sa kasalukuyan pinaghahanap ng City of San Fernando Police ang nasabing gang.
Sa nasabing pangyayari, lalong pina-igting ng City of San Fernando Police ang kanilang pagpapatrolya at ang malawakang checkpoint sa pangunahing lansangan upang matiyak na hindi na mangyayari ang nasabing robbery.
Nag-donate ng matataas na kalibreng baril si Nepomuceno
Noong Lunes, karagadagan na namang armas ang ibinigay ni Angeles City Mayor Francis "Blueblue" Nepomuceno sa Angeles City Police Office.
Sa harapan ng Angeles City Hall ginanap ang pagbigay nito ng high-powered firearms kagaya ng assault rifle, commando rifle, infant rifle at striker rifle sa Angeles City Police na pinamumunuan ni Senior Supt. Pierre Bucsit.
Sang-ayon kay Nepomuceno, magdo-donate pa rin ng mga armas sa City Police upang lalong mapalakas ang Pulisya sa pakikipagtunggali sa mga kriminal.
Bukod sa mga armas, mayroon ding radio equipment ang ibinigay ni mayor sa City police.
Nauna dito, mayroon ding ibingay na mga armas, radio equipment at mga bagong Toyota Altis, isang Innova at isang Toyota Hi-Lux si Nepomuceno sa Angeles City Police.
Sana raw, sabi ng isang police officer, gayahin din ni City of San Fernando Mayor Oscar Rodriguez si Nepomuceno sa pagbigay nito ng mga armas, behikulo at handheld radio.
Sa pamamagitan ng nasabing mga gamit, kung maibibigay ni Rodriguez, lalong lalakas ang City of San Fernando police sa kampanya nito sa kriminalidad.
Napag-alaman na karamihan sa mga Mobile Patrol Car sa City of San Fernando ay hindi na umano umaandar dahil kulang ito sa maintenance.
Napag-alaman din sa police officer na malapit na umanong mag-donate si Rodriguez ng Toyota Hi-Lux sa City Police. Ang tanong, kailan kaya iyon maibibigay lalo na ngayong wala nang magamit ang City of San Fernando police sa kanilang pagpapatrolya?
Sana maibigay kaagad ni Mayor ang nasabing Toyota Hi-Lux.